Movie Adik Buhay Singapore
Thursday, September 9, 2010
Hottie
Email:
Password:
Forgot your password? Signup
Pinoy Portal Noypf Pinoy Ads Pinoy Answers Pinoy Bookmarks Pinoy Forums Pinoy Jokes Pinoy Mini Blogs Pinoy Noypedia Pinoy Online Pinoy Social Pinoy Hub Adobofy Adkoto Annechitect Bigotilyo Buhay Singapore Cutiepedia Giljed Jowes Hottties Movie Adik Noypedia Pinoy AniManga Pinoy Bands Pinoy Celebrities Pinoy CPop Pinoy Games Pinoy Halalan Pinoy IT Pinoy Jokes Only Pinoy Jokes Pinoy JPop Pinoy KPop Pinoy Lyrics Pinoy Movies Pinoy Music Pinoy News Pinoy Nga! Pinoy OFW Pinoy Rap Pinoy Recipe Pinoy Rock Pinoy Scandals Pinoy Showbiz Pinoy SEO Pinoy Social Web Pinoy Songs Pinoy TV Channel Pinoy Video Rich Pinoy Tsiklet The Secret Wow Pinay WebyZine

Mga Bagong Karanasan sa Singapore

by Pauleen Rama on Sep 05, 2009
Mga Bagong Karanasan sa Singapore

Nung unang sabak ko dito sa Singapore, isa sa dahilan ng kaba ko ay ang pagkain. Hindi ako marunong magluto. Kanin nga lang sinusunog ko pa. Nag-iisang babae ako sa pamilya namin, talo pa ako ng kapatid ko na magsaing. Ang alam ko lang ay maggisa ng kaunti at magprito. Pero pag nagprito ako nasusunog pa din. Kung hahayaan mo akong magluto para sa isang piyesta, isama mo na sa budget mo ang pagpapatawag ng ambulansya.

Araw ng dating ko dito ay hindi ako nakakain. Ni hindi man ako umorder ng pagkain sa Cebu Pacific kahit gusting-gusto ko ng lantakan yung tig-iisang daang piso na halaga ng isang cup noodles (ginto ang presyo, pare). Kaso pakiramdam ko baka sa sobrang kaba ko, baka masuka ako. Kawawa naman yung nasa tabi ko. Ang puwesto pa naman ng upuan ko ay sa may bintana ng eroplano.

Hatinggabi ng lumapag ako dito. Pagkasundo sa akin ng kuya ko, sumaglit kami sa baba ng tinitirahan nila dahil hindi siya nakapagluto. At bumungad sa akin ang isang 24-hours na kainan.

‘Wow, turo-turo (point-point)’, nasambit ko sa kanya. Natawa siya kasi talaga namang ituturo mo sa naglalagay ng pagkain yung ulam na gusto mo.

Hawker’s Centre yung napuntahan namin. Ang Hawker’s Centre ay grupo ng mga karinderya ditto sa Singapore. Dito nagpupunta ang mga tao kapag wala ng oras magluto, o kaya gusting magmeryenda. Kung sa Pinas ang tambayan ng mga manginginom at ng mga matatanda ay ang tapat ng mga sari-sari store (tindahan), dito Hawker Centre and tamabayan ng lahat.

Ang sinasabi ko naman na turo-turo ay yung Chinese food na nagtitinda ng Mixed Vegetables and Meat. Isasalpak nila sa kanin mo yung ulam na ituturo mo. Tatlong ulam ang madalas na inoorder ng mga tao: gulay, isda at karne. Minsan apat pa. Kaya naman nung dinala ako ni Kuya dun sa tinder tumingin ako kay kuya at ginaya ko siya:

                Ako: “Uncle, tapao (take away)”

                Uncle: “ahhh, what d’ya want wit your lice (rice)?”

                Ako: point (sa ulam na mukang giniling)

                Uncle: “ wah else?”

                Ako: “ uh..” point ( sa ulam na mukang kangkong)

                Uncle: “anythang mor?”

                Ako: (iling) “that’s all, uncle, how much?”

                Uncle: “ Too dolar, pipty cents”

Yun. Busog ka na sa dalawa hanggang tatlong ulam. Pero kung likas kang masiba pwede mong dagdagan pa yung ulam mo. Wala naman pumipigil sa iyo. Nga pala, hindi mo pwedeng sabihin kay Uncle na Take-out. Hindi uso yan dito. Take away ang gamit nila.

Pero naalala ko nga pala na sa pagkain sa karinderya at sa jollyjeep (sa may Makati) ay isang ulam lang ang inoorder natin. Tapos umeextra rice lang tayo at sabaw na mainit. Kaya naman doon sa mga iba’t ibang Hawker Centre na nakakainan ko, nagugulat ako sa dami ng mga ulam na nakahain. Minsan gusto kong tikman lahat. Pero sa kalaunan, may mga ulam na halos pare-parehas lang ang lasa. Pero pag natsambahan mo na masarap magluto ang isang Mixed Vegetables and Rice na food stall, uulit-ulitin mo ang pagpunta doon.

Kahit saang sulok ka ng Singapore magpunta, may Hawker Centre. Hindi ito mawawala sa kanila. Dahil bukod pa sa mahilig ding kumain ng mga Singaporean, mahilig din sila sa chismis at inuman. Para ka ding nasa Pinas. Normal na gawin nila ito. Yun nga lang iba’t-ibang salita ang maririnig mo.

Dito nagpupulong-pulong ang mga lolo at lola at mga tambay pag may pinag-uusapan sila na mga maiinit na chismis at balita. Habang hawak ang mga bote ng beer, kape at tsaa, nagdedebate sila kaharap ang mga iba’t ibang dyaryo. Tuwing linggo naman, ang mga magpapamilya ay nagmemeryenda dito o kaya kumakain ng agahan matamos mamili ng lulutuin ng tanghalian ang nanay.

Kapag may lumapit sa iyo na matandang lalake o babaeng may beltbag at matining ang boses, hindi mo nawawalang kamag-anak yan. Nagbebenta yan ng inumin. Magtatanong lang sa iyo yan kung anong panulak ang gusto mo. Marami kang mga pagpipilian na inumin: kape, tsaa, milo, iced lemon tea, coke, diet sprite, root beer, lime juice, barley water.. Malamig man ito o mainit meron sila. Pag naka-order ka na, sisigaw na itong mga barker na ito sa buong Centre ng “ Kopeeeeee, lai! Lai!” Pagkahatid sa iyo ng inumin ihanda mu na yung bayad mo. Kung ayaw mo magbayad ng buong pera, magready ka ng barya. Pero binabalik naman nila ang sukli mo eh. Saka kapag madalas kang kumain doon makikilala ka nila at makakabisa ang mga inoorder mo.

“ Auntie! Milo cold, pleeeeaaasseee!!”

Related Entries to Mga Bagong Karanasan sa Singapore
Add a Comment
140
Read More Entries in Buhay Singapore
Watch Related Videos
rubik's cube tutorial- 3rd layer- baguhan "tgalog/Filipino"
24,880 views
rubiks rubik's cube color puzzle tutorial lesson...
Alamat Na Baguhan (with lyrics) - Xo Icy
23,821 views
Title: Alamat Na Baguhan Playing Time: 00:04:08...
rubik's cube tutorial- 1st layer- baguhan "tgalog/Filipino"
14,255 views
rubiks rubik's cube color puzzle tutorial lesson...
baby gurl(iloveyou)
5,832 views
wala lg trip lng...baguhan lng poh ako thnx....
rubik's cube tutorial- 2nd layer- baguhan "tgalog/Filipino"
5,643 views
rubiks rubik's cube color puzzle tutorial lesson...
bitaw ng baguhan
2,049 views
GIB
baguhan - miguel(cover)
2,041 views
street party bob cover
Kundiman - Silent Sanctuary Music Video (Florante at Laura)
1,891 views
This is our Filipino Project.Enjoy Watching! :))...
pasubali(cover) by touchdown
1,408 views
baguhan lng po paxenxa
Cathy Remperas and johan Santos-Your Song Isla (crying scene)
1,385 views
OMG grabe they are both so good para sa baguhan