Ime Videos Web Stuff Web News World News Weblogs Web Tags

Bigotilyo Buhay Singapore
Thursday, July 29, 2010
Pinoy KPop
Email:
Password:
Forgot your password? Signup
Pinoy Portal Noypf Pinoy Ads Pinoy Answers Pinoy Bookmarks Pinoy Forums Pinoy Jokes Pinoy Mini Blogs Pinoy Noypedia Pinoy Online Pinoy Social Pinoy Hub Adobofy Adkoto Annechitect Bigotilyo Buhay Singapore Cutiepedia Giljed Jowes Hottties Movie Adik Noypedia Pinoy AniManga Pinoy Bands Pinoy Celebrities Pinoy CPop Pinoy Games Pinoy Halalan Pinoy IT Pinoy Jokes Only Pinoy Jokes Pinoy JPop Pinoy KPop Pinoy Lyrics Pinoy Movies Pinoy Music Pinoy News Pinoy Nga! Pinoy OFW Pinoy Rap Pinoy Recipe Pinoy Rock Pinoy Scandals Pinoy Showbiz Pinoy SEO Pinoy Social Web Pinoy Songs Pinoy TV Channel Pinoy Video Rich Pinoy Tsiklet The Secret Wow Pinay WebyZine

Simpleng Sinigang - Sikretong Recipe na Masarap

by Pauleen Rama on Sep 05, 2009
Simpleng Sinigang - Sikretong Recipe na Masarap

Hindi ako marunong magluto. Pero salamat sa internet at may nakuha akong recipe para sa pagluto ng sinigang. Ilalagay ko lang sa search bar kung anong ulam ang gusto kong lutuan at POOF! parang magic! May lalabas ng mga listahan ng websites kung paano lutuin ito.

Alam ko na namimis niyo na ang lutong-bahay ng nanay mo. Kahit madalas kang sigawan ng nanay mo dahil panay ang basketball mo, ayos lang sa iyo dahil uuwi ka naman at matitikman ang kanyang masarap na nilutong ulam.

Ito ang mga kakailanganin mong sangkap para magluto ng Sinigang:

                ½ kg karne ng baboy

                2-3 piraso na kamatis

                2-3 piraso ng sibuyas

                asin

                kangkong

                sitaw

                talong

                okra

                tamarind mix

Kung ayaw mong ng karne ng baboy, pwede ding hipon. Pwede ka ding bumili ng butu-buto. At depende na sa katamaran mong maghimay ng gulay kung gusto mo itong bawasan o dagdagan dun sa nilista kong gulay dito. Maglalasang sinigang pa din iyan dahil sa ibubudbod mong tamarind/sampaloc mix.

  1. Hiwain ang baboy. Ikaw ng bahala maghiwa kung gaano kalaki gusto mo. Pero huwag mo namang itapon na lang sa kaldero yung baboy na hindi hinihiwa dahil mas mahabang oras ng pagpapakulo ang kailangan mo para lumambot ito. At saka hiwain mo ng pare-parehas ng laki para pantay ang pagkakaluto nila.
  2. Maghiwa ng sibuyas at kamatis. Hatiin sa gitna ang bawat isa at hatiin muli ang bawat kinalahating parte.
  3. Ihagis sa kaldero ang baboy, sibuyas at kamatis. Lagyan ito ng katamtamang dami ng tubig na matatakpan yung dami ng karne.
  4. Sindihan ang kalan at pakuluan ito ng ½ hanggang sa 1 oras. Huwag mong kakalimutan na lagyan ng konting asin ang pinakukuluan.
  5. Para sa gulay, pitasin ang dahon ng kangkong. Ilagay sa lalagyan para mahugasan.
  6. Hugasan ang talong, okra at sitaw bago hiwain. Putulin ang sitaw na kasinghaba ng kalahati ng iyong hintuturo. Huwag isama ang puno at dulo ng gulay, itapon ito.
  7. Ganun din ang gawin mo sa okra at sa talong. Hiwain ito ng malaliit at katamtaman lang sa ilang kagat para madaling maluto.
  8. Kapag malambot na ang baboy, ibudbod ang sampaloc mix. Haluin ang sabaw at tikman kung tama lang ang asim. Dagdagan pa ng tubig kapag sobrang asim, o idagdag ang mix kapag kulang sa asim. Gumamit ka ng ibang kutsara sa pagtikim
  9. Limang minuto bago iahon ang kaldero sa apoy, ilagay ang talong at okra. Pakuluan pa ito ng kaunti.
  10. Dalawang minuto bago patayin ang apoy, ilagay ang sitaw.
  11. Pagkaahon ng kaldero sa apoy, ipatong sa ibabaw ang dahon ng kangkong. Haluin ang sabaw.

May masarap ka ng sinigang! Ihanda ito kasama ang mainit na kanin at pritong isda. Sabay lagukan mo ng malamig na tubig! Busog! Laughing

Ang servings ng sinigang na ito ay depende kung gaano ka kasiba. Pero kung hindi naman, good for 3-4 na katao ang nilutong sinigang. Maipagmamalaki ka na ng nanay mo!

Related Entries to Simpleng Sinigang - Sikretong Recipe na Masarap
Add a Comment
140
Read More Entries in Buhay Singapore
Watch Related Videos
La Teta... to give the breast is to give life...
234,973 views
to give the breast, is to give life... This...
Los Terricolas-Luto En Mi Alma
100,582 views
Spanish Oldies
Joe Veras-Luto En Mi Corazon
91,376 views
Live at Jet Set Night Club Playing "Luto En Mi...
PINAKBET (ILOCANO SONG)
68,688 views
nagduduma a luto ti pinakbet
Chicken w/ Bell Pepper by foodtrip28.ph
40,903 views
Please visit www.foodtrip28.ph salamat po......
The MAGIC Of Bulgarian Voices & Music Trio Bulgarka - ...
34,637 views
ACAPELA. Trio Bulgarka (also known as "Three...
CSI - The Who - Baba O' Riley
16,170 views
CSI: Crime Scene Investigation (The Original CSI...
Τα Κόκκινα Φανάρια (μουσική τίτλων)
16,142 views
Σταύρου Ξαρχάκου - The Red lanterns (Kokkina...
Detonado GTA San Andreas ''LUTO MF!!'' (66)
15,174 views
Detonado GTA San Andreas
TRIPLE AAA DE LUTO
14,553 views
LUTO EN TRIPLE AAA