Pinoy Ads Feedztr Pinoy News Appztr Blogztr Pinoy Blogs Video Watch Web News World News Webypedia Web Articles Weblogs Pinoy Blog Posts Pinoy Classified Ads Filipino News Web Mashups

Kabayan, Welcome to Noypf!

Noypf is the best Pinoy Social Network made by Filipinos. (Google stat)
Sign up today and enjoy our very funny Pinoy Jokes.
Create a Free Account!
Go Pinoy social networking!
- Karen Santos
# A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
My Entries Advice Anime & Manga Appliances Arts & Letters Baby Names Beauty & Style Books Business Cars Comics Computers Education Electronics Environment Family Feature Food & Drink Games Health & Fitness History Home & Garden Hotels & Accomodation How To Idioms Internet Jobs & Careers Legal Leisure & Hobbies Life Abroad Lyrics Money Monsters Movies Music News Nightlife Opinion People Programming Proverbs Quotes Real Estate Recipes Reference Relationships Restaurants Science Self Help Services Shopping Showbiz Slang Society Sports Stories Techniques Technology Travel TV Shows Video Games

Si Harry Potter at Ang Problemadong Pinoy

Welcome to Noypedia! Ang pinaka-awesome na Pinoy Encyclopedia! Kung gusto mong mag-react o kaya mag-add ng content, click mo lang ang Add an Entry.

Dahil andito na ang season ng Harry Potter at palabas na ang latest movie, halos lahat ng mga tao ay naloloka sa latest hype sa movie nito.

Lalo na nang makita ko sa internet ang isang article tungkol sa walong items sa mundo ng Harry Potter na pwedeng gamitin sa buhay-love life. Natawa ako nung binasa ko yun dahil ginamit ang items sa buhay pag-ibig. Kaya naisipan kong gumawa din ng sarili kong listahan ng mga gamit sa mundo ni Harry Potter na kailangan na kailangan ng mga tao. Este, sa ikabubuti ito ng pangkalahatan at hindi sa pansariling pagnanasa ko lang.

1.       Polyjuice potion Gawa sa mga kakaibang ingredients, Una nating na-encounter tong Polyjuice potion sa Book 2 ng Harry Potter. Ginamit nila ito para impersonate ang mga minions ni Malfoy. Mag-iiba ang mga kulay nito depende sa pagkatao ng taong gagayahin mo. So kung trip mong gayahin si Pokwang magkukulay prune ito, or kung si GMA, magkukulay dilaw ito (gaya ni Pikachu). Ano ang maganda sa gayumang ito? Pwede to sa mga undercover work ng mga private investigators at sa mga military or police use. Kapag may mga hostage sa banko, pwede silang mag-impersonate na si Angel Locsin para madistract ang mga kriminal. Pwede din itong gamitin ng mga may asawang madaling mangaliwa. Gayahin lang ng mga babae ang pinakamagandang babae na magagaya nila at landiin na nila ang mga asawa nila, at tignan nila kung papatos ba ang mga asawa nila o hindi. Hinahalo ang gayumang ito kasama ng kahit anong naging parte ng katawan ng gagayahin (patay na kuko, patay na buhok, dry na balat, dandruff, pawis at kung ano-ano pa.)

2.       Veritaserum Malamang hindi mo na kailanganin ang Polyjuice Potion kung may hawak kang Veritaserum. Isa itong malinaw na likido na hawig ng tubig, at sa tatlong patak lang, maari mo nang malaman ang pinakatago-tagong sikreto ng crush mo kahit ayaw man niya sabihin sa iyo ito dahil walang na siyang laban dito. So kung trip mong malaman kung nagsasabi ng totoo si Erap, ihalo mo lang ito sa kanyang brandy at plato ng balat ng lechon at magkwento na ito ng lahat ng mga naging kabit niya. O kaya ihulog mo lang ito ng aksidente sa kape ni Mirriam at malalaman mo na ang lahat ng mga mahihirap na english terms na ginagamit niya. Pero ang pinaka-mainam na gamit nito ay sa mga nasa huwes at ang mga nagtatrabaho sa justice system natin. Bago pumasok, required lahat na uminom nito using United American Tiki-tiki drops. Para Walang lusot dapat dito, pati mga akusado, mga witness, mga husgado, mga abogado, pulis at mga SOCO, ultimo mga taga-media kailangan uminom nito, kundi kakasuhan ng 30 years sa kulungan. Malaking tulong ito dahil bukod sa mabilis mababawasan ang patong patong na kaso, sigurado pa tayo na totoong may krimen na nangyari at ang totoong maysala ay makakapasok sa kulungan. At speaking of kulungan, dahil sa overflowing na ang Muntinlupa, kailangan na kailangan natin itong susunod sa listahan.

3.       Azkaban Dahil sa mabilis na mareresolba ang lahat ng mga kaso kakailangan natin ng mga Azakaban at ang mga guardyang Dementors. Ano ba meron dito? Hindi ko alam eh, basta malupet na kulungan ito at ang nagbabantay ay mga parang poltergiest na walang mukha kundi mga bibig lang. Dito dapat dinadala ang mga taong walang pagsisisi sa kanilang mga ginawa. Mararamdaman nila ang mga krimen nila habang nagbabakasyon sila dito. Dito dapat tinatapon ang mga rapists, mga pedophile, mga trapo, mga nangnakaw sa kaban ng bayan at ang mga matataba sa senado. Pati na ang mga lalaking walang binibigay na sustento sa mga hiniwalayang mga asawa at anak. Hmmm.. Pero baka hindi tumambla dito ang rehab ng mga nasa senado, malalakas din silang sumipsip ng kaluluwa kagaya ng mga dementors..

4.       Time turner Ang time turner ay ginagamit ni Hermione Granger nung Book 3 para umatend sa patung-patong niyang mga klase. Bumabalik siya sa oras at marami siyang nagagawa. Mainam ito para sa mga taong papunta sa kani-kanilang presinto tuwing panahon ng botohan. Para mamulat sila sa mga kalokohan na pinaggagawa ng mga taong bumili ng boto nila. May panahon pa silang magbago ng isip sa botohan. Mainam din ito sa mga taong nasa matataas na posisyon at madali ng nakalimot sa kanilang mga pinanggalingan na putikan. Para mabawasan naman yung kapal ng balat nila.

5.       Room of Requirement Lumilitaw ito sa 7th floor ng Hogwarts school tuwing napapaisip ka ng mga kakailanganin mo, at lilitaw itong kuwartong ito at nasa loob ang iniisip mong pangangailangan. Maraming nagsasabi na kulang tayo sa mga gamit, eto gamitin ang Room of Requirement. Kulang na gamot sa mga ordinaryong sakit? Buksan ang kuwarto at kunin ang gamot. Libro at upuan para sa mga pampublikong paaralan? Maraming supply sa kuwartong ito. Mga gamit sa medisina sa PGH at Philippine Heart and Lung Center? Ilabas ang mga mamahaling ECG, CCG, X-ray at kung anu-ano pa para masagip ang buhay ng mga tao. Kung pwede nga lang maglabas ng mga sundalo, nurse, doktor at teacher itong kwartong ito eh. Dahil nanganganib ang bansa natin sa kakulangan ng mga dakilang taong ito. Lahat na lang ng mga may natapos gusto ng umibang bansa sa hirap ng buhay. Kaya naiwan ng naghihingalo ang society natin. And no, hindi pwedeng ilabas si Prof Mccgonagall dito, baka atakihin ito sa puso sa dami ng estudyanteng walang guro sa Pinas.

6.       Broomstick  Nagngingitngit na ba ang ipin mo sa pagtaas ng presyo ng gasolina? Ang walang-humpay na pagtaas ng pamasahe at mga pangunahing bilihin kahit hindi lumilipad sa taas ng iyong sweldo? Nata-trapik ka pa dahil sa sobrang dami ng sasakyan at hilo ka na sa itim na usok? Walis tambo ni Inday ang kailangan mo. Este walis tingting pala ng mga Metro Aid. Kung pwede nga lang ito na lang ang gamitin nating transportasyon kung ayaw ng bisikleta. Walang gasolina, walang pamasahe, walang parking fees. Itabi mo lang ito sa kwarto ng janitor ayos na. At least yung pamasahe at pambili ng gasolina, ginagamit mo na sa pambayad ng tuition ng anak mo. Pero kung wala ng demand sa gasolina, baba na din siguro ang presyo ng bilihin. At magmumuka na ulet na mataas ang sweldo mo kahit wala kang increase.

7.       Molly Weasley’s clock Para sa mga taong walang pakundangan sa pagpasok ng late (kasama ako dun), na nagbubulakbol sa trabaho, sa mga teenager na mahilig mag cutting classes, at sa mga asawang mahilig mangaliwa: eto ang katapat niyo! Orasan ng nanay ni Ronald Weasley. Alam agad ni Mrs. Weasley kung nasaan ang mga anak niya at kung pauwi na ba ito at kung nangnganib ang buhay nila. Ang mga tao pa naman matitigas ang ulo. Mahilig magpalate kapag kailangan mo sa trabaho, naglalaro imbes na umuwi na sa bahay at nambababae kahit nag-oovertime daw. Wala na kayong lusot sa orasan na ito. At kung sakali mang makalusot kayo, andiyan ang veritaserum naghihintay sa pagkain niyo.

8.       Quidditch Dahil nga sa bulok na tayo sa ibang mga sports at palakasan, kundi lang dahil matindi ang determinasyon ng mga atleta natin, siguro naman kapag tinuruan tayo ng Quidditch baka maging sikat tayo dito. Pinaghalong Basketball, Volleyball, football at Soccer, mainam ang Qudditch sa mga mahilig makipag-sikuhan, suntukan, basagan ng bungo at magaling umilag (mga holdapper, snatcher at manloloko ng Quiapo at Baclaran). Sigurado matatalo natin sila sa World Cup dahil beterano na tayo sa ganitong game. Natural na sa atin itong mga strategy. At palagi tayong makakakuha ng gintong medalya sa Olympics kapag isinama ito.

Sayang nga lang at isang pangarap lang itong listahan na ito. Makakabuti sana sa atin ang mga gamit na ito. Pero kung mapapaisip ka pa man din ng kaunti, may posibilidad pa ding abusuhin ang ilang gamit dito dahil sa mga taong may kapangyarihan. Siguro mas mainam kung si Lord Voldemort na lang ang nilagay ko sa listahan? Para mauntog ang mga tao at magsikap tayo na kalabanin ang kadiliman.

Add a Comment
140
Katherine Morena
Katherine Morena how touching..i would love to have the wand..:P
8 months ago