Kwentong Pari
"Kuripot ang mga parukyano ko!" sumbong ng unang pari sa kaibigan niya ring pari. "Wala akong problema sa pera," sabi ng kaibigang pari. "Kapag nasa gitna na ako ng sermon ko at nakatitig silang lahat sa akin, inilalabas ko ang aking relo de bulsa at hini-hypnotize ko sila at sinasabi kong 'maglagay kayo ng malaking pera' at kapag nagbibigayan na, malaki ang ibinibigay nila." "Teka! Magawa nga!" sabi ng unang pari. Sa kanyang sermon, inilabas ng unang pari ang hiniram na relo de bulsa sa kaibigang pari at inumpisahan niyang i-hypnotize ang mga parukyano niya. "Maglagay kayo ng malaking donasyon," sabi niya. Malaki ang koleksyon noong Linggong 'yun at sinubukan niya ulit nang sumunod na Linggo. Habang hini-hypnotize ang mga parukyano niya, naihulog niya ang relo at napasigaw siya, "Ay, puke!" Nagsara ang simbahan niya noong araw ring 'yun dahil sa dami ng reklamong natanggap na maraming babaeng naghubad daw sa loob ng simbahan para lumapit sa pari.

